Ihihimlay na sa huling hantungan ang mga labi ni track and field legend Lydia de Vega ngayong alas 10 ng umaga sa Pandayan Memorial Park sa Meycauayan, Bulacan, kung saan siya ay isinilang 57 taon na ang nakalilipas.
Ang katawan ni De Vega, “Diay” sa kanyang mga kababayan, ay inilipat sa Meycauayan noong Lunes, isang linggo matapos siyang pumanaw noong Agosto 10 dahil sa breast cancer.
Mula noong kanyang pagyao, ibinurol ang katawan ng dating Asia’s Fastest Woman sa Heritage Park sa Taguig City City ng anim na araw kung saan ang kanyang mga di makakalimutang kabayanihan sa iba’t-ibang sporting arena sa daigdig ay inalaala ng mga pinaka-matataas na opiasyal ng pamahalaan s pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang kapwa niya atleta at alamat sa daigdig ng palakasan tulad ng mga bowling great Paeng Nepomuceno at Olivia Bing Coo, long jump queen Elma Muros-Posadas, at chess GM Eugene Torre at maging ang kanyang matagal na naging karibal sa pagiging “Asia’s Sprint Queen” P.T. Usha ng India ay nagparating din ng pakikiramay sa pamilya at sa bansa.
Comments
Share your thoughts on the above article by Eddie Alinea.